Ikaw ang hinahanap ko sa buhay kong ito. At kung wala ka, ako’y hindi kumpleto.

Dear God,

Naguguluhan po ako sa mga oras na ito. Alam kong hindi po ako dapat tumitingin sa mga tao dahil lahat naman ay nagkakamali at wala pong perpekto. Pero po, bakit sila ganun? Yung mga taong dapat sana ay makikitaan ng pagmamahal Nyo ay sila pang mga makitid ang ulo. Sila pa itong nagiging dahilan para sa ikadaparapa ng ibang tao. Sila pa itong wala nang ibang alam kundi ang tumingin sa kamalian ng iba at hindi matutong magpasensya. 

Alam ko po ay dapat na nasanay na ako. Dahil buong buhay ko, lumaki ako na napapalibutan ng mga ‘kristiyanong hipokrito’. At ganun din naman po ako. Alam nyo po ang mga pagkukulang ko. Pero po, nakakalungkot lang isipin kung ilan pang ‘ako’ ang nahihirapan sa pagsunod sa Inyo dahil sa mga nakikita sa paligid ko. Masakit isipin na meron pang ibang mga katulad ko na gusto pa kayong makilala pero napapangunahan ng mga mapanghusgang mga mata. 

Tunay nga po na ang nangungunang dahilan kung bakit maraming taong malayo sa inyo ay ang mga ‘anak’ Ninyong sinasamba kayo pero ang mga kilos ay gawa ay naaayon pa din sa gawa ng mundo. 

Tulungan nyo po ako. Tulungan Nyo po akong maituwid ang landas ko at hindi na tumingin sa ibang tao dahil labis na kabiguan lamang po ang naidudulot nito.

I’m excited about what God is doing in our youth group at church. I can’t wait to see how he’s going to do great things to and thru us.

NIGHTNIGHT by DEDDY